Martes, Pebrero 22, 2011

Talambuhay ni Derick Bronsi

     Hayaan nyu po munang ipakilala ko ang aking sarili.Ako c Derick Bronsi labing anim na taong gulang at ipinanganak ako noong abril,13,1994.
     Alam nyu ba na ang tatay ko ay hilig biruin ang lola ko?? para nga silang mga bata kapag nagbibiruan yung bagang pag nag umpisa na silang magbiruan ay para lang silang magkaibigan.Pero nang dahil din sa biruang iyun ay may sinabi ang lola ko sa kanya.Sabi daw ni lola kay itay na sana naman daw ay tirhan nya ng anak si lola.Pero di nga nagtagal tinotoo ni itay ang sinabing yun ni lola.Dinala nya c mama na katrabaho nya lamang sa isang factory.Pero ang lola ay ay hindi sang ayon sa kanilang relasyon.Kaya lang wala nang nagawa si lola kundi ipakasal c itay kay mama dahil ng dalhin nya si mama sa bahay ay buntis na pala ito.
     Hayaan nyung ikwento ko din kung paano nagkakilala sina mama at papa.Magkaibigan pa lamang sila noon at magkatrabaho din.Una pa lamang daw nakita ni papa c mama ay minahal na nya ito.Diba parang pelikula lamang??

Picture namin ng mga kaibigan ko noong nag pinta kami gamit ang kamay
       Alam ko na hindi lang dun nag umpisa ang kanilang relasyon kasi naman c mama ayaw pa ikuwento ang mga nangyari pa sa kanila ni papa habang magkaibigan pa lamang sila.
      Nung grade 3 ako ay alam nyu ba na wala parin akong pinag bago, as in ganun parin katulad ng dati makulit parin e. .Kaya yun balik grade 3 ako,haisssssss

       Pero nung bakasyon nag ka sakit ako, aray naman ayuko sanang sabihin ang nang yari saken pero wala akong magagawa kelangan eh.Nagkakabukol kasi ako sa puwet kapag ako ay dumudumi,ang alam nila nadiwende daw ako kaya ganun ang nangyayari saken.Pero nung tumagal na yun ay ipinasya na ng mga magulang ko na dalhin na ako sa ospital.Ilang araw din ako doon ooperahan na nga sana ako kaso nung ooperahan na ko bigla namang kusang lumabas yung bukol ko..

        Nang makatapos naman ang mga kapatid ko sa pag aaral ay kumuha agad sila ng trabaho para naman siguro matulungan kami sa mga kakailanganin namin sa pag aaral at sa mga bayarin namin.

picture namin ni Anicris

        Dahil sa pagsisikap ng mga magulang at kapatid ko ay napag aral nila ako hanggang grade 6.at nung grade 6 ako aynagkaroon ako ng kaibigan kung baga matalik ko nang kaibigang maituturing best friend for shot hehe. . Ang pangalan niya ay si Dax,lahat nang problema ko ay sa kanya ko lang sinasabi,lagi nga kaming magkasama nun.


        Nang makatapos naman ako ng elementarya ay tuwang tuwa ako dahil bakasyon na sa wakas.Pero sa di inaasahang pangyayari ay nagkasakit nun ang aking kaibigan na si Cristian Kasi nang nagpakalbo siya ay biglang nawala ang mga balahibo nya sa katawan,syempre naawa ako sa kanya matagal nga siyang nakatigil lamang sa kanilang bahay dahil siguro sa hiya na makita siya ng kanya ring mga kaibigan na ganun ang kanyang itsura.Pero iniisip ko nun,pano kaya kung saken mangyari yung ganun??Kaaawaan nya rin kaya ako o ikakahiya na lamang??Sa palagay ko tatawanan nya pa ako.Pero ang sa akin lang ay itinuturing ko siyang isang tunay na kaibigan.

picture namin nung kami ay nasa room 4
         Nang mag high school na ko,1st palang ako syempre wala pa ko dung kakilala pero dahil bago lamang ako dun ay hindi ako palaimik, umiral saken ang pagkamahiyain.Nahirapan akong makakuha nang kakaibiganin nun kasi hindi naman ako lumalapit sa kanila.Pero kahit papaano naman ay nagkaroon ako nang kaibigan doon,nanghihingi kasi siya ng papel saken kaya siguro natuwa siyang kaibiganin ako. . . hhahaha
      Nung second year naman ako ang tanda ko lang siguro na nangyari saken nun ay wala. . haha kasi ang mga kaklase ko nun 1st year ay sila pa ding kaklase ko nung second year.
picture namin ni Jestly
      nung 3rd year ako,ito ang taong hinding hindi ko makakalimutan dahil dito ko nakilala ang isang cute na babae at siya din ang naging inspirasyon ko sa pag aaral.
       Hanggang ngayung 4th year ako kaklase ko pa siya,pero hindi lang siya ngaun ang naging inspirasyon ko kundi ang buong klase ko pa.
       Exciting talaga ang buhay ko.pero ang iniisip ko lang sa ngayun ay ang makatapos ako ng pag aaral.Upang makatulong sa aking pamilya at kaibigan.


Class picture namin ngaung 4th year

     Sana ay makahanap din kayo ng inspirasyon sa inyung buhay ^_^

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento