Tue, February 22, 2011 8:56:51 PM

Ang Talangbuhay ni Jon Mykell Jalmasco Martinez







 
     Ako si Jon Mykell J. Martinez pinanganak sa San Ignacio,San Pablo City Laguna noong July 6,1993 at sa kasalukuyan ay 17 taong gulang na.ang aking ama ay si Conrado Martinez,Jr na ipinanganak sa San Pablo Cityat ang trabaho nisang contractual at kung minsan ay pa-extra-extra lng at ang aking ina ay si Gloria Martinez,tubong Bicol at sa San Pablo siya lumakiang trabaho niya ay isang tindera ng ulam sa bayan ng San Pablo.ako po ay ksalukuyang nasa ikaapat na sa high school at sa darating na Marso ako ay magtatapos na sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at nakapagtapos naman ng elementarya ng Branzza Memorial School pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay para di na muli maranasan ang hirap at gutom dahil sa kahirapan nais ko ding makatulong sa aking mga magulang balang araw upang makapagpasalamat sa kanilang malaking hirap para mapag-aral ako.

    Ikukwento ko po ang aking buhay,mga kakatuwa at hirap na aking naranasan.apat kaming magkakapatid si Angielynn ang panganay,ako naman ang pangalawa,si Mark Christian ang pangatlo at si Tonee Rose naman ang bunso.Hindi man kami mayaman pero naturuan naman kami ng magagandang gawain ng aking mga magulang at may respeto sa iba at sinanay nang walang luhong buhay

     Simula nung 1 taong gulang ako wala aking ama dahil nadidistino siya sa malalayong lugar at nung 3 taon na ako siya ay di na muna sumama dahil lumalaki na kami.Nung aking kamusmusan pa lamang ay napakalikot ko,noon nga ay naglalaru ako sa dalawang upuan na pahaba na medyo may kalayuan pa para sa akin,nung sinubukan kong tumalon kumapos ang talon ko at nalaglag ako sa may dalawang kanto ng upuan.Nakita ako nang aking ina nung malaglag ako nagtatakbo siya at tiningnang kung ayos ba ako,nakita niya na may dalawaakongbukol sa ulo at pinagalitan akosabi pa niya"ikaw talagang bata ka!..wala kang katatahanan napakalikot mo!!!eto bumili ka nang yelo para dyan sa bukol mo!!"umiiyak ako habang naglalakad upang bumili nang yelo.

   Nung ako ay magsimulang mag-aral ng GRADE 1 ako ay 7 taong gulang noon napaka-excited kong mag-aral kasi unang beses ko nung pumasok at nagkaroon nang sabit "MOST HONEST" tuwang tuwa ang ama ko nung sinasabitan ako kasi ang bait ko daw.

    Pero nung Grade 2 na ako di na ako naging masaya sa pag-aaral parang naiinip ako sa lahat,ang bastos ko noon kasi minumura ko ang mga teacher ko noon pati ung mga nagtuturo nang RELIGION minumura ko muntik na ako ma-opis noon.At nung grade ko ding iyon sumingga ang aking hika na halos nanghihina na ako.

    At nung Grade 3 ako naging gala na ako pero pagkatapos ng klase,lagi pati ako noong inaasar ng mga kaklase ko kaya maya't-maya ang aking pag-iyak kaya mas gusto kong mapag-isa.Nakakatakot din ang mga teacher ko panay kasi ang sapok,sigaw at mura suwerte na nga ang isang kurot at mura sa isang araw.

    Nung Grade 4 ako ayos naman nakakasabay ako sa mga kaklase ko sa bawat subject.Hindi nga lang mawawala ang kumpetensiya kaya nagkakaroon ako nang mga kaaway pero naaayos naman di naman kasi ako pala away na tao.Unang beses ko noong sumali sa boys scout kaya gustong gusto kong maranasan yun pero dahil sa wala akong damit at gamit kaya umuwi ako na mangiyak-ngiyak dahil ang dami kong dalang gamit tulad ng banig,kumot,unan at mga pagkain pero di rin naman ako nakasama,inis na inis ako noon.

     Sa Grade 5 naging iba na ang lahat,nagkaroon ako ng una kong crush...si Jane Erika.Kasi masaya ako noon sa tuwing makikita ko siya di ko siya niligawan kasi alam ko mga bata pa kami.

     Pero nung grade 6 na ako nagkaroon siya nang boyfriend parang nalungkot ako kasi may nagustuhan siya agad siya.Nung mag brake sila naging close kami ng sobra pero d ko siya niligawan..ewan?parang talagang torpe ako noon.

    Nung mag pi 1st year ako d ako nakapag-aral kailangan kong tumigil kasi nagsabay-sabay kami nang mga kapati ko di kaya nang mga magulang ko.Nagtrabaho ako sa ulingan para magkapera,tumutulong ako sa ama ko para may makain kami,sa edad ko noong 13 nag-umpisa na ako magtrabaho upang makatulong sa kanila.Nakapasok ako nung sumunod na pasukan excited ulit ako parang bago kasi ulit ang lahat at nakilala ko si Blanka ang babaeng una kong minahal.Pinilit kong maging malapit sa kanya at di naman nangyari yun,masyado siysng tahimik upang kausaping parang lagi niya akong susupladahan sa tuwing kakausapin ko.

    Pero may nangyari na di ko malilimutan iyon eh nung sa LAKE,kasi niyaya ko siyang magbike libre ko  pumayag siya kasi yung kapatid nya ehh gusto nyang puntahan na kasalukuyan namang nagbibisikleta noon,yung isa kong kaklase ko na nakabisekleta nasa likod nang sidecar namin na sumabit naman ang gulong niya sa amin kaya parang tataob ang sinasakyan namin tapos biglang tumalon yung kasama namin sa sidecar kaya lalo kaming natumba at halos hiyang-hiya ako ning makatapos kami hahaha.     


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento